Home » Post Item » Dos o Siete?
Dos o Siete?
January 22, 2007Believe it or not, one of the most argued about topics here in the office is our preferences for a noon time show.
Eat Bulaga VS Wowowee.
Saya ano? We spend hours discussing the pros and cons of each show and so far the score is 5-2. 5 guys are hardcore Willie Revillame fans and there's only 2 of us who voted for "bossing" and the gang. Personally, I think noon time shows are crazy. I can't even believe I'm wasting time writing about it. Well, yes I voted, but just for the sake of it. Hehehe.
Nakakaasar manood. Sa mga noon time show ka lang makakakita ng mga kumakantang action star na bukod sa walang tono ay love song pa ang dinale! At nagsasayaw pa! Imagine mo kung dito sa Pinas sumikat ang actor/wrestler na si "The Rock"…at kumakanta ng "Love moves". Brrrr….makapanindig balahibo!
Linggo linggo yatang may bertdeyan. Kung ang isa sa kanila ay may birthday, syempre mawawala ba ang kanyang song number? Song number na sa simula ay solo sya sa stage…at masho-shock ang celebrant dahil isa-isang dadating ang kanyang mga friends habang sinasabayan sya sa pagkanta. Hindi nya ito inexpect! Hoy, lipsync ang song number nyo at sabay sabay nyong ni-record yan!
At kung ikaw naman ay isa sa mga sumisikat na artists o banda, humanda na kayong maka "jamming" sina Richard Gomez at Diether Ocampo.
Magkakaroon ka pa ng "Title". Divine Diva. Dance Floor Dynamite. Song Bird. Big Bird. Kung ako kaya? Bird. Yun lang.
Sabi nga ng isang kasamahan namin dito, mapapanood ka sa sobrang ka-kornihan.
Elementary pa lang ako, may Eat Bulaga na. Nagbago na ang cast, medyo nabago na din ang opening song at madami nang games ang nadagdag. Isa lang ang kapansin pansin na hindi nagbabago. Susmaryakatilpo, babae pa si Aiza, may BULAGAAN na! Ngayong nambababae na sya, ganun pa din ang format! "Knock-knock"…"Who's there"…"Palitan nyo na dahil napaka-korni na"…Buti na lang at magagaling ang mga stand-up comedians na idinagdag nyo sa cast. Hanga din ako sa kanila kasi sa araw-araw na ginawa ng Diyos, they don't seem to get tired of it. Often can you find people who love their work. Or at least they look like they're loving it.
Dumaan ang "Sa Linggo nAPO sila", "Isang Linggo nAPO sila", "Magandang Tanghali Bayan", "Masayang Tanghali Bayan"…hanggang sa wala na silang maisip na title…dumating na ang Wowowee. Isa lang ang masasabi ko. Kung hindi nagpapamudmod ng kwarta yang Willy na yan, hindi sya gusto ng tao. Ilang beses na ba syang na-suspende ng ABS dahil sa taglay nyang kalaswaan?! Respected by the masses but not by his own family! I'm trying really hard not to sound so angry (I deleted about 5 hate sentences already) but I REALLY HATE THIS GUY!!! I prefer to watch channel 2 generally except for this show! Isa pa, Kung may bubugbugin sya, sana yung co-host na lang nya na si Janelle…parang iniipit na pusa ang boses! May nagbalak pa sa mga kamaganak ng kaopisina namin na uuwi daw ng Pilipinas para lang masampiga itong co-host na ito. At susmaryosep, bago makasagot ang mga contestant sa pera o bayong (ewan ko sa pangalan ng game na yun) sasayawan ka muna ng isang buong production number! At "bum-tarat-tarat"? Magmumukha ka munang engot bago ka pasalihin. Yun ang isa sa pinaka-ayaw ko sa show na ito. Dapat mukha kang kaawa-awa para makasali ka. And they are not usually pitied upon. Pinaglalaruan pa nitong Willy na ito. Pinapag-cartwheel habang umiiyak ang kawawang bata. This is not my idea of what they call "fun". I know that they want to help (I just question the sincerity) but there's a proper venue for this. Masama ang loob ko kasi kailangan pa nilang bumiyahe galing probinsya, makipagsiksikan at mag mukhang kaawa-awa para lang magkaroon ng pamasahe pauwi. BWISAAAT!!! Ang aga-aga umiinit ang ulo ko! But I don't and can't blame the audience…I blame the show. It's not charity work as they claim, It promotes begging for money. Hindi katulad nung sa Eat Bulaga na ang mga contestants nila is mostly working class, it gives credit and pride to those who contribute to the country. I just say what I see, and what I say is my own opinion. So Bugger off! Make your own blog. Isa pang ikinatutuwa ko ay ang mga pagbabandera ng ating mga kababayan na sila ay from another country…wow…kailangan nilang ipaalam sa buong bansa na sila'y tiga-ibang bansa…buti pa yung mga nasa abroad dahil bandila natin ang iwinawagayway nila tuwing ipinapakita sila sa TV. Nakakatuwa din sa isang banda dahil patuloy ang pagtangkilik ng ating mga kababayan sa mga local shows. Yun lang. At least may ikinatuwa ako diba?
Biased na kung biased. If shows like this dont exist, people might find other ways to make a living…take note…not just make money but make a living. Sure, some are doing it for fun. I'm sure the hosts and the networks are having tons of it. Buti pa sila. Malalakas kumita.
So, to conclude this entry, I choose Eat bulaga because they've been in the business for the longest time and yet seldom do I see them disrespectful to the audience. Yes, both shows make fun of the contestants but that's a given once you've joined in. At walang stampede na nangyari dahil hindi sila nagpapa-asa sa mga tao na pagagandahin nila ang kanilang kinabukasan. At sa mga hosts, mas gusto ko naman yung natural na komedyante kesa sa bastos na nagpapanggap na santo. "Kapag nakakakita ako ng mga bata sa kalsada, gusto kong bumaba ng kotse at makipagkwentuhan sa kanila." words from the mouth of Willy. I hate you. Mas gusto ko pa dati na yung team nyo nina John at Randy, bastos nga pero natural. Natatawa pa ako. Bastos din ako eh. Hehehe.
Dos or Siete? Sabi nga ng manager ko, Channel 5 na lang siguro…at least sa rating nag-iisa lang sila na number 2.
Previous Comments
Di mo pala kilala ang mga host ng Channel 7. Sila ang original na DOM’s at SM’s!
Posted by Tamtam at February 9, 2007, 2:46 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







haha, kakatuwa ang post na ito. punta ko sa wowowee pag uwi ko. sama ka? hehe
Posted by jeremy at January 24, 2007, 11:47 pm