Home » Archives » 09. February 2007
Hangover
February 9, 2007How the hell do you get rid of a hangover?! Or better yet, How do you prevent it?!
Bago at pagkatapos daw ng drinking session, kailangang uminom ng isang kutsarang olive oil dahil may epekto daw ito sa ating mga intestines, pinapabagal nito ang pagdaloy ng alak sa ating bituka kaya mas madali itong i-metabolise.
Isa pang paraan ay ang palagiang paginom ng tubig habang nakikipaginuman upang ma-hydrate ang ating sarili dahil ang pagnakaw ng tubig sa ating mga tissue (palagi kasi tayong nag-jingle all the way kaya nauubos ang tubig sa katawan natin) ang dahilan kung bakit nagkakahang-over. At bago tuluyang matulog, kailangang uminom ng gatorade o kung ano mang sports drink para mapalitan yung mga nawalang minerals sa ating katawan at syempre para marehydrate tayo.
Pagkagising naman sa umaga, kung masakit parin ang ulo, uminom ng matapang na lemon tea dahil kailangan natin ang antioxidants at caffeine nito para marepair at magising ang ating sistema kagalang-galang (repectively, hehehe).
…wala akong nagawa ni-isa sa mga nabanggit ko…mahal ang olive oil, yung ipambibili ko ng gatorade, ipinambili ko na lang ng isang bote pa ng beer, at yung lemon tea, milo lang ang meron ako dito (siguradong pururut ako nito mamaya) at humingi ako ng coke kay JM.
…sakit ng ulo ko…pero nakapag-blog pa!






