Home » Post Item » Yehey
Yehey
February 13, 2007May katangahan na naman akong nagawa kahapon.
So, Yehey! May ipo-post na naman ako!
"2 weeks na akong nagpa-reserve ng slot Miss, at wala na akong ibang time magexam kaya hindi pwedeng i-reschedule!" padabog kong sinabi sa receptionist ng MISNet, a training and exam centre sa makati. "Sir, wala po talaga kayo sa list namin eh, pero pwede po namin kayo i-accomodate, maghihintay lang po kayo ng konti kasi i-dodownload po muna namin yung exam nyo." sabay abot sa akin ng registration form. I said OK, kailangan ko nang mag-exam ngayon dahil mag-iisang buwan na akong nagrereview at gusto ko nang matapos ang araw na ito! Anyways, halfway with filling-up the form I asked them if they need my exam voucher. She answered, "Sir, sigurado pong hindi talaga kayo dito nagpa-reserve kasi hindi po kami tumatanggap ng voucher." Namutla ako sa hiya. I excused myself and asked if I can make a phone call. I called up JM to ask her about the number of EduPro, another training and exam centre in makati. So I called. Ang tanga tanga. Dun pala ako nagpa-reserve ng slot. Mabuti na lang ang nasa magandang mood yung receptionist dahil nagkatawanan pa kami bago ako tuluyang magpaalam sa kanya. O masaya lang sya dahil napahiya ako.
Buti na lang at hapon pa ang exam ko sa EduPro. I was scheduled to take Sol 9 SCSA I at 3pm. Kaya minabuti ko na munang umuwi ng apartment at magreview kaysa naman tumambay ako sa glorietta at mapagastos pa ng hindi oras. Dahil alas dyes pa lang naman, minarapat ko na lang na maglakad mula Valero St. hanggang MRT Ayala stn. Sa aking paglalakad, sumagi sa isip ko, siguro sadyang inilagay ako ng Dyos sa Roxas Blvd at inilayo sa Makati. Inilalayo ako sa temptation. Susmaryosep andaming gerls! Wawawiwa! Sexy time!
Anyways, nang makarating na ako sa apartment, lecheng yan, brownout naman! BWISAAT!!! Syempre, hindi na ako nakapag-review. Tumambay na lang ako at nakipaglaro kay Lean. At syempre, para nga naman mas nakakatawa, nagkaroon ng kuryente bago ako umalis. Ayos diba?
Alas-dos, nakarating ako sa EduPro. Pusa, ang init sa labas. Hindi natuloy yung balak kong maligo muna ulit bago magbyahe, brownout nga kasi at hindi gumagana ang water pump sa apartment. Kakahiya. Amoy kilikili na ako. At syempre para mas nakakatawa, may kasabay akong mag-exam. Chicks. Hassle tsong, death-threat ang keleks ko baka sumisimoy ng hindi ko namamalayan. So, punta muna akong banyo para mag quality check. Amuy amuy. Wisik wisik. Buti na lang dala ko yung pabango ko. Tumatakbo sa isip ko ang kantang "…taas kamay with confidence…LET'S DO THE FIRST DAY HIGH!"
Alas-Tres. Dumating din ang oras. Magkakaalaman na kung may napala ba ang aking isang buwang pagrereview. Kailangan kong maipasa, bukod sa ayaw kong mag-retake, papayagan daw ako ni Trini na bumili ulit ng bagong Gundam pag nakapasa ako. Chaos Gundam, I want you…I need you.
We were given 2 hours for the exam. 1 hour later I was already done, but I wanted to review all the items I marked and review the whole exam all over again. There were 57 questions, 14 of which my answers I wasn't sure of. Compute tuloy ako. 57-14=43. I only need at least 37 correct answers so PASADO NA! Yahu! After reviewing the whole exam twice, I pressed the "END" button since there's nothing left to squeeze from my memory. Hintay kami sa labas na parang sa delivery room. When they handed out the result all I wanted was to see the word "PASS". And I did. Only had 7 of the 14 wrong answers I was expecting. Partida pa, naipasa ko na basa ang kilikili ko!
Moral of the story, maglagay ng madaming deodorant. Or be distracted on your exam with the thought of your odor sneaking to someone else's nostrils…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






